BAGONG TAYONG QUICK RESPONSE BASE SA LUNGSOD, MALAKING TULONG SA TANAP REGION

Cauayan City – Malaking tulong para sa mga residente ng Tanap Region ang itinayong Quick Response Base ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management sa Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng IFM News Team sa kapitan ng nabanggit na lugar na si Kapitan Cesar Bareng, malaking tulong ito sa kanilang lugar ganundin sa mga karatig barangay dahil mas magiging mabilis na ang paghingi nila ng tulong sakali man na may mangyaring insidente.

Ikinatuwa nito na sa kanilang barangay ipinatayo ang nabanggit na base lalo pa’t madalas umanong makapagtala ng Vehicular Accidents sa National Highway sa kanilang nasasakupan.


Bagama’t mas magiging madali na ang pagrespunde at paghingi ng tulong sa mga rescuers, hinihiling pa rin ng kapitan na mas mabuti kung walang maitatalang kahit anumang insidente sa lansangan man o sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments