BAGONG TEEN CENTER SA DAGUPAN CITY, IPAPATAYO SA BRGY. MAMALINGLING

Magkakaroon na ng karagdagang teen center ang Dagupan City na itatayo sa Brgy.Mamalingling.

Sentro ng pasilidad ang pagtutok sa kapakanan ng mga kabataan na magbibigay ng kaukulang gabay kasunod ng mga hamong kinakaharap sa iba’t-ibang aspeto.

Kabilang pa sa itatayong imprastraktura sa barangay ang bagong day care center at sariling bulwagan sa 2026.

Ayon sa mga opisyal,, ilang dekada nang inaasam ng mga residente ang pagpapatayo ng sariling establisyimento para sa mga konsehal ng barangay.

Kamakailan, iprinisenta sa publiko ang pagbili ng lupa para sa mga naturang pasilidad.Ilulunsad din kasama nito ang konstruksyon ng riprap at perimeter fence para sa seguridad.

Matatandaang ipinatayo na rin ang kauna-unahang three-storey, nine classroom building sa Mamalingling Elementary School noong Oktubre 16.

Facebook Comments