BAGONG TERMINAL | Taguig Integrated Terminal Exchange Project, uumpisahan na ng DOTr

Manila, Philippines – Uumpisahan na ng Department of Transportation (DOTr) ang Taguig Integrated Terminal Exchange Project.

Ang naturang anim na palapag na gusali na itatayo ng DOTr ay inaasahang makakatulong sa pagluwag ng matinding trapiko sa EDSA.

Pinangunahan ni Transportation Secretary Art Tugade, DPWH Secretary Mark Villar, BCDA President at CEO Vince Dizon at MMDA Chairman Danny Lim ang groundbreaking sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ Program ng gobyerno.


Magkakaroon ito ng passenger concourse, isang centralized ticketing area, na may mga business at retail establishments pa.

Kaasya rin sa itatayong gusali ang 1,200 public utility bus, may parking slots rin para sa publiko at aabot sa 160,000 pasahero ang kayang serbisyuhan nito araw-araw.

May pedestrian walkway connection rin ito sa PNR-FTI Station at sa isinusulong na bagong Subway System.

Kapag natapos ang proyekto, dito na rin ilalagay ang istasyon ng lahat ng provincial buses na bumibiyahe sa Southern Tagalog Region, Visayas, at Mindanao.

Facebook Comments