Nagbukas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga bagong text hotline at email address kung saan maaaring magtanong ang publiko tungkol sa mga concern nito sa Social Amelioration Program (SAP).
Layon nito na magkaroon ng direktang ugnayan ang publiko at ahensya.
Kabilang sa mga numerong maaaring tawagan ay ang mga sumusunod:
- Globe – 0916 247 1194
- Smart – 0947 482 2864
- Sun – 0932 933 3251
Bukas din para sumagot ng katanungan ang kanilang email address na sapgrievances@dswd.gov.ph
Ang mga nasabing text hotline at email address ay pangangasiwaan ng 24/7 operations center ng DSWD.
Tiniyak naman ng ahensya na gagawin nila ang lahat para matugunan ang concern ng publiko ukol sa sap maging sa iba pang program ng DSWD gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Social Pension for Indigent Senior Citizens (SOCPEN).