
Opisyal nang pinasinayaan ang bagong three-storey library building ng Dagupan City National High School (DCNHS), isang pasilidad na layong palakasin ang kalidad at pagiging future-ready ng edukasyon para sa mga mag-aaral ng lungsod.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang modernong aklatan ay magsisilbing mahalagang espasyo para sa pagkatuto, pananaliksik, paghubog ng kaalaman, at kuryosidad ng mga mag-aaral.
Itinuturing itong napapanahong handog, lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan, bilang pamana sa mga susunod na henerasyon ng kabataang Dagupeno.
Ayon sa mga opisyal, ang pagkakaisa ng lokal na pamahalaan ay mahalagang salik sa tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga programang nagbibigay-diin sa edukasyon, pamilya, at kinabukasan ng kabataan sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









