Pasado kay House Committee on Tourism Chairman at Romblon Representative Eleandro Jesus Madrona ang “Love the Philippines” na bagong tourism slogan na inilunsad ng Department of Tourism (DOT) na ipinalit sa dating slogan na “It’s More Fun the Philippines”.
Naniniwala si Madrona na mas may lalim ang kahulugan ang bagong tourism slogan at tumatagos sa puso ng bawat Pilipino.
Para kay Madrona, kasama sa mensahe ng bagong slogan ang magagadang katangian ng nga mga Pilipino na binabalik-balikan ng mga turista bukod sa “fun at adventure.”
Pangunahing tinukoy ni Madrona ang pagiging hospitable, magalang, at maasikaso ng mga Pilipino sa mga lokal at banyagang turista.
Bunsod nito ay tiwala si Madrona na hindi lamang magpapaangat sa turismo ng bansa ang bagong slogan kundi mas maipapakilala din nito ang mga Pilipino bilang pinakamahusay sa pag-asikaso ng mga bisita maging lokal man o banyaga.