Bagong tourist attraction ng bansa itatayo sa Pangasinan

Lingayen Pangasinan – Determinado si Outgoing 2nd District Representative at Lingayen Mayor-Elect Leopoldo Bataoil sa pagpapatayo ng Limahong Channel Tourism Center na nagkakahalaga ng 50 milyong piso, pondo na mula sa Department of Tourism.

Ang nasabing proyekto ay gagawing tourism center at river cruise terminal kung saan ay naniniwala si Bataoil na mas makakahikayat ng mas maraming turista na magtungo sa Pangasinan at tutulong sa pagpapayabong ng kasaysayan.

Sa kabila ng agam-agam na hindi sasapat umano ang pondong 50 milyong piso para sa nasabing proyekto ay nangako naman si Bataoil na hahanap ito ng karagdagang pagkukunan ng pondo sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa provincial government lalo na’t ang nasabing proyekto ay aprubado ng mababang kapulungan noong nakaraang taon pa bilang dagdag tourist attraction ng bansa sa hinaharap.


Sa ngayon uumpisahan na umano ang phase 1 kung saan uunahin ang pagpapatayo ng isang multi-purpose building ng Limahong Channel Tourism Center na matatagpuan sa Barangay Pangapisan Norte, Lingayen Pangasinan ayon sa DPWH 2nd District Engineering Office.

Photo by Carlo Rueda & from Hon. Bataoil’s facebook

Facebook Comments