BAGONG TRAFFIC MANAGEMENT PLAN SA SAN FERNANDO CITY, LA UNION, IPATUTUPAD NA

Epektibo na simula ngayong araw ang Traffic Management Route Plan sa mall area sa San Fernando City, La Union matapos ang obserbasyon at datos na nakalap ng Pamahalaang Panlungsod sa mabigat na trapikong nararanasan sa naturang bahagi.

Ipatutupad ang route plan sa bahagi ng Brgy. Biday na iikutan o magsisilbing U-turn area ng mga pupunta sa mga mall tuwing Biyernes, weekends at holidays.

Naobserbahan umano ng awtoridad na madalas mabigat ang daloy ng trapiko sa lugar sa mga nabanggit na araw dahilan kaya ito ginawang schedule ng traffic route plan.

Unanimously approved din umano ng Pamahalaang Panglungsod, kapulisan, Road Safety Traffic and Transport at iba pang tanggapan ang plano.

Hindi naman napigilan ng ilang residente na almahan ang naturang plano dahil maaari pang masolusyonan ang trapiko sa pagpapaalis sa sidewalk parking, number coding, at pagpapabilis ng konstruksyon ng diversion road sa Bauang upang mapaluwag ang kalsada at daloy ng trapiko.

Sa huli, hiling ng lokal na pamahalaan ang pang-unawa at pagtalima ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments