BAGONG TRAFFICKING SCHEME SA DAGUPAN CITY, NAKATULONG SA DALOY NG TRAPIKO

Tuloy tuloy na ang daloy ng trapiko sa lungsod ng Dagupan dahil sa inimplementang bagong trafficking scheme.
Ang mga jeep na byaheng Mangaldan, San Fabian, Manaoag at Mapandan ay hindi na pinapadaan sa downtown area dahil ang rutang kanilang iikutan ay sa Herrero-Perez na habang ginagawa pa ang ibang daan.
Hindi na rin sa Rizal St. ang daanan ng mga jeep na ito dahil magdudulot ito ng trapiko sa Rivera at Galvan St.

Opinyon naman ng ilang jeepney drivers ay mas mainam kung sa dating daanan ang kanilang tinatahak.
Samantala, posibleng matapos na ang ilang inaayos na mga daanan at maaari na itong buksan sa mga susunod na buwan. |ifmnews
Facebook Comments