Bagong transmission line sa Bataan, pinasinayaan ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasinaya sa Mariveles-Hermosa-San Jose 500 Kilovolt transmission line sa Bataan.

Sa kaniyang speech sinabi ng pangulo na sa sandaling maging operational na ay mas mapapalakas ang power transmission services sa Region 3 maging sa Metro Manila.

Kukunekta rin ang transmission line sa iba pang proyekto sa Bataan gaya ng Battery Energy Storage System sa Limay na napasinayaan noong nakaraang taon at sa Bataan-Cavite Interlink Bridge.


Ang MHSJ 500 Kilovolt (kV) ay ginastusan ng P20.94 billion at inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon kay Pangulong Marcos bahagi ng proyekto ang mahigit over 275.6 circuit kilometers na overhead lines na mayroong 395 towers at 2 bagong substations.

Ang transmission line ay may kabuuang transmission capacity na 8,000 megawatts (MW).

“This way, we can meet our increasing energy demand, encourage technological advancements, and produce more employment opportunities for our people,” ayon sa pangulo.

Facebook Comments