Cauayan City, Isabela- Alinsunod sa IATF Resolution No. 101 kung saan mariin na ipinapatupad ang uniformed protocols sa buong bansa, naglabas pa rin ng Executive Order na pirmado ni Mayor Jefferson Soriano na nagsasaad ng Uniformed Travel Protocols para sa lungsod ng Tuguegarao.
Batay sa bagong protocol sa Lungsod ang mga manggagaling sa mga Bayan sa loob ng Cagayan o Region 2, kailangan lamang ng VALID ID at Barangay Certification mula sa place of origin na nagsasaad na ang biyahero ay residente ng nasabing bayan o munisipalidad at nagpapatunay na hindi Person Under Iinvestigation (PUI), Person Under Monitoring (PUM), o kasama sa contact tracing.
Para naman sa mga biyaherong manggagaling sa lugar na labas ng Region 2 ay kinakailangan na mag fill-out ng Online Registration Form bago ang itinakdang biyahe at mag presinta ng Barangay Certification mula sa lugar na pinanggalingan na nagsasabing hindi kabilang sa PUI, PUM, o kasama sa contact tracing.
Ang mga dokumentong hinihingi ay gagamiting basehan ng Lokal na Pamahalaan para sa contact tracing.
Makikita rin sa IATF Resolution 101 na tanging ang Travel Authority lamang ang hindi pinahihintulutan na hilingin ng LGUs.