Bagong Tulak ng Droga sa Santiago City, Huli sa Drug Buy Bust!

Santiago City, Isabela – Nahuli kahapon sa ikinasang drug buy bust ng kapulisan ang isang bagong tulak ng droga sa Purok 5, Brgy. Rizal, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si Alberto Lopez Jr., apatnapu’t dalawang taong gulang, walang trabaho at residente ng nabanggit na lugar.

Nakuha kay Lopez ang isang pakete ng shabu at limang daang piso bilang marked money mula sa isang opisyal ng pulis na nagpanggap na poseur buyer.


Sa ngayon ay nasa PNP Santiago na ang suspek at inihahanda na ang kaso nito na paglabang sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Samantala ang matagumpay na operasyon ay dahil sa pinagsanib pwersa ng Santiago Police Station 1, Santiago City Police Office, RDEU, PRO2 at PDEA RO2.

Facebook Comments