Bagong Tulak ng Droga sa Santiago City, Natimbog sa Buy Bust!

*Santiago City, Isabela- *Natimbog ang isang lalaking vendor matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad kahapon sa Brgy. Mabini, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang nadakip na bagong tulak ng droga na si Christopher Ferrer, bente tres anyos, may asawa, tinder at reisdente ng Brgy. Victory Norte, Santiago City.

Batay sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, dinakip si Ferrer ng mga operatiba ng Santiago City Police Station 1 katuwang ang iba pang mga operatiba matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na bumili sa halagang limang daang piso.


Nagawa pa umanong tumakas ng suspek matapos matunugan ang ikinasang operasyon ng kapulisan subalit agad rin itong naaresto.

Narekober mula sa suspek ang limang daang pisong buy bust money at hawak na ngayon ng kapulisan ang suspek na mahaharap sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments