Nagkasundo ang mga alkalde ng National Capital Region (NCR) na ipatupad ang bagong unified curfew hours ngayon ibinaba sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR plus bubble.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benhur Abalos, ang bagong curfew hours sa Metro Manila ay mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Magiging epektibo ito simula ngayong araw, April 12 at magtatapos sa April 30.
Batay sa bagong panuntunan na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang local chief executives ay may kapangyarihan i-adjust ang curfew hours sa NCR.
Ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay exempted mula sa curfew basta may maipapakita silang proof of idenfication o certificate of employment sa mga awtoridad.