Bagong uri ng party drugs, ibinabala ng PNP-DEG!

IMG SOURCE: thaipbsworld.com

Binabalaan ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang publiko hinggil sa bagong uri ng party drugs na kung tawagin ay happy water o cocktail drugs.

Ayon kay PDEG Director PBGen. Faro Antonio Olaguera, kadalasang ginagamit ang bagong uri ng party drugs sa mga high end bars.

Ani Olaguera, gawa ito sa pulbos na maaaring ihalo sa anumang klase ng inumin kung saan hindi ito kaagad mapapansin sapagkat wala itong amoy at kulay.


Aniya, nakikipag-ugnayan sa sila sa kanilang counterpart na Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) upang mapigilan ang pagpasok ng happy water sa bansa.

Nabatid ang happy drugs ay kombinasyon ng shabu, ecstasy, caffeine, diazepam, ketamine at tramadol.

Base sa report, napasok na ng naturang bagong uri ng party drugs ang Thailand at Myanmar kung saan ang isang pakete ay nagkakahalaga ng $43 o mahigit P2,000.

Sinabi pa ni Olaguera na ang pag-inom ng happy water ay maaaring magdulot ng palpitation, pagtaas ng presyon ng dugo, nakaka apekto rin ito sa central nervous system, pagkakaroon ng hallucinations at nakakapinsala sa mga internal organs.

Sa ngayon, hindi pa ito nakakapasok sa Pilipinas kung kaya’t puspusan ang kanilang kampanya at operasyon upang hindi ito tuluyang makapasok sa bansa.

Facebook Comments