Bagong vaccination site ng Marikina, nagsimula ng tumanggap ng magpapabakuna

Tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ngayong araw ng Marikina Convention Center, ang bagong mega vaccination site ng lungsod, matapos itong bukasan kahapon.

Ayon kay Mark Castro, head of Logistics and Scheduling ng Marikina Vaccination, dalawang libong indibidwal ang target mabakunahan sa Marikina Convention Center kada araw.

Kapansin-pasin na mas organisado ang sitwasyon sa nasabing vaccination site kumpara sa mega vaccination site na nasa Marikina Sports Complex.


Sinabi rin ni Castro, Sinovac ang available vaccination brand ngayon sa lungsod.

Dahil sa karagdagang lugar ng bakunahan sa lungsod, sinabi ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na nagdagdag din ang lungsod ng vaccinator team na kinabibilangan ng mga nurse at doctor.

Bukas din ngayong araw ang ilang vaccination centers ng lungsod tulad ng San Roque Elementary School at Sto. Nino Elementary School na perhonb target mabakunahan ngayong araw ang 1,500 residente ng lungsod.

Habang 3,000 naman kada araw sa Marikina Elementary School at 5,000 naman sa Marikina Sports Complex.

Facebook Comments