Bagong variant ng Omicron, hindi malubha kumpara sa orihinal na Omicron variant – WHO

Inihayag ng World Health Oragnization (WHO) na hindi malubha ang epekto ng bagong variant ng Omicron kumpara sa orihinal na strain nito.

Ayon kay WHO official Maria Van Kerkhove, base sa sample ng mga indibidwal mula sa iba’t ibang bansa ay pareho lamang ang level of severity ng BA.1 at BA.2.

Magandang resulta aniya ito para sa mga bansang laganap ang bagong variant ng Omicron tulad ng Denmark.


Samantala, lumabas naman sa inisyal na pag-aaral na mas mabilis makahawa ang bagong variant ng Omicron kumpara sa orihinal na strain.

Gayunpaman ay sinabi ni Kerkhove na bumababa na ang global circulation ng lahat ng variant ng COVID-19 sa buong mundo.

Facebook Comments