Nagsasagawa na ng monitoring ang Department of Health (DOH) ang bagong variant ng COVID-19 na naiulat sa Indonesia.
Nabatid na ang unang kaso ng variant na naglalaman ng E484K mutation na natagpuan sa South Africa at Brazil at tinatawag ng mga scientist na “Eek.”
May kakayahan ang variant na iwasan ang natural immunity mula sa dating COVID-19 infection at nababawasan nito ang naibibigay na proteksyon mula sa mga kasalukuyang bakuna.
Pero nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala pa ang nasabing variant sa Pilipinas.
Tinalakay na ang bagay na ito sa Philippine Genome Center at UP National Institute of Health.
Wala pang genome sequencing na isinagawa ang PGC kasunod ng contamination ng kanilang mga makina.
Sa ngayon, ang variants of concern ay ang B.1.1.7 o South African Variant, habang ang P.3 variant ay patuloy na iniimbestigahan.