Inaprubahan ng US Food and Drug Administration (FDA) ang bagong gamot na magpapanumbalik o magpapataas ng sex drive ng kababaihan.
Pangalawa ang bremelanotide o ‘Vyleesi’ sa mga inaprubahang female viagra–sunod sa Addyi pill ng Sprout Pharmaceuticals noong 2015 na ugat ng kontrobersyal na usapin kung health o mental issue ba ang pagbaba ng sexual desire ng isang babae.
Ayon sa Palatin Technologies Inc. na gumawa nito, patataasin ng gamot ang libido ng babae sa pamamagitan ng pagdirekta sa parte ng utak na responsable sa sexual responses ng katawan, hindi kagaya ng Viagra na nagbibigay daan para sa daloy ng dugo sa ari ng lalaki.
Sinuguro naman ng Palatin na ligtas ang gamot na ito na dumaan uamno sa 30 clinical trials sa higit 2,500 katao.
Di hamak aniya na lamang ang Vyleesi dahil sa kakaunting side effect nito kumpara sa Addyi pill na kailangan inumin araw-araw at hindi puwedeng isabay sa alak.