BAGONG VICE MAYOR NG BINMALEY, NANUMPA NA

Nanumpa na ang bagong Vice Mayor ng Binmaley na si dating 1st rank Councilor Amelito Sison bilang kahalili ni Former Vice Mayor Rosario matapos lagdaan ng gobernador ang irrevocable resignation na inihain nito.

Ayon kay Mayor Pedro Merrera, naniniwala siya na magagampanan ni Vice Mayor Sison ang kanyang tungkulin sa bayan bilang magkapartido rin ang dalawa sa nakalipas na eleksyon.

Base sa opisyal na resulta ng botohan noong National and Local Elections 2022, nanguna si Sison sa mga kumandidatong konsehal na nakakuha ng 30,369 votes.

Manunungkulan si Vice Mayor Sison hanggang June 30, bago ang proklamasyon ng mga bagong halal na opisyal sa Binmaley. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments