Bagong vice mayor ng San Juan City, manunumpa na sa tungkulin ngayong umaga

Kasunod ng pagpanaw ni San Juan City Vice Mayor Warren Villa ay nanumpa na sa tungkulin ang kapalit nito bilang bise alkalde ng lungsod.

Alas-8:00 ng umaga kanina nang pangasiwaan ni Mayor Francis Zamora ang pag-upo sa pwesto bilang vice mayor ni no. 1 City Councilor Atty. Angelo Agcaoili.

Ang appointment ni Agcaoili ay alinsunod sa mga probisyong nakasaad sa Section 21 ng Republic Act no. 9388 o ang San Juan City charter.


Bukod kay Mayor Zamora ay present din sa katatapos na okasyon si San Juan City Lone District Cong. Bel Zamora, mga miyembro ng city council at iba pang mga opisyales ng lungsod.

Sa kanyang talumpati, tinanggap ni Atty. Agcaoili ang hamon na maging pangalawang pinuno ng lungsod.

Kinilala rin nito ang serbisyong nagawa ng yumaong si ex-Vice Mayor Warren Villa.

Tiniyak ng pangalawang punong-lungsod ang suporta sa liderato ni Mayor Zamora.

Ngayong araw rin ay itinakda ang pagdiriwang ng Wattah-Wattah Festival at iba pang mga aktibidad sa lungsod na ipinagpaliban dahil sa weeklong period of mourning kasunod ng pagkamatay ni Vice Mayor Villa noong June 18.

Facebook Comments