Manila, Philippines – Tiwala si Public Attorney’s Office o PAO chief Persida Acosta na makakatulong ang sinasabing bagong video na nasa kanilang pag-iingat para maidiin ang mga pulis Caloocan na sangkot sa Oplan Galugad na nagbunsod sa pagkamatay ni Kian Delos Santos.
Maaring pagtibayin aniya ng nilalaman ng video ang kredibilidad ng mga testigo na nasa lugar kung saan nangyayari ang pagkamatay ni Kian.
Ang video aniya ay galing sa isa sa mga testigo na nasa kustodiya ng PAO.
Maliban sa mga material evidence, may anim na witnesses ang PAO para tiyaking “airtight” case ang kanilang kaso laban kina Police Officer 3 Arnel Oares, Police Officers 1 Jeremias Pereda at Jerwin Cruz.
Facebook Comments