Bagong water concession agreement, posibleng ilabas sa loob ng 6 na buwan – DOJ

Posibleng ilabas sa loob ng anim na buwan ang bagong water concession agreement.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra – may hinihintay na lamang na input mula sa Department of Finance (DOF).

Sa ilalim ng bagong kontrata, bibigyan ng dagdag na kapangyarihan ang regulatory office ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).


Hindi na rin pwedeng ipasa sa mga costumer ang ilang gastos ng water concessionaire.

Kabilang na rito ang business tax, concession fees, death service payments pati na ang corporate income tax.

Kung walang mapagkasunduan, babawiin ng gobyerno ang management ng water supply mula sa Manila Water at Maynilad.

Facebook Comments