Pinalakas ang akses sa malinis na tubig sa Mangatarem, Pangasinan sa pamamagitan ng paglulunsad ng bagong Level III water supply system.
Layunin ng proyekto na magbigay ng ligtas, abot-kaya, at maaasahang suplay ng tubig para sa mga residente.
Saklaw ng unang yugto ng proyekto ang paghahanda ng site at mga unang gawain tulad ng source development at pipelaying sa mga barangay ng Caviernesan, Malabobo, Pacalat, Cabaluyan 2nd, Tagac, at Quetegan.
Ang inisyatiba ay bahagi ng Public-Private Partnership ng lokal na pamahalaan ng Mangatarem at ng isang pribadong organisasyon, na naglalayong mapabilis ang implementasyon upang maibigay sa lalong madaling panahon ang malinis na tubig sa komunidad.
Facebook Comments






