BAGONG WATER SYSTEM SA PIAT, CAGAYAN, MALAKING TULONG SA MGA RESIDENTE

CAUAYAN CITY – Tuwa at pasasalamat ang ipinaabot ng mga mamamayan ng barangay Sto. Domingo, Piat, Cagayan dahil sa bagong water system na natanggap ng kanilang barangay.

Pinondohan ito sa ilaim ng programang “No Barangay Left Behind” (NBLB) ni Governor Manuel Mamba na nagkakahalaga ng mahigit P300-K.

Sa pahayag ni Empowerment Officer Alma Palacpac, malaki ang maitutulong ng water system dahil mas mapapadali na ang suplay ng tubig kumpara noong deep well palang ang ginagamait ng mga residente.


Ayon pa sa kanya, apat na barangay umano ang makikinabang sa naturang proyekto.

Facebook Comments