#BagongBuldon/ Liderato ni Mayor Manalao suportado ng kanyang mga kababayan

Sa layuning mas lalo pang palakasin ang samahan ng mga opisyales ng Buldon, Maguindanao , nakipagpulong ang mga halal at maging mga natalong mga kandidato sa katatapos lamang ng Barangay at SK Elections kay Buldon Mayor Abolais Manalao.

Kapwa nagpaabot ng pagsuporta sa liderato ni Mayor Manalao ang mga opisyal. Maliban sa mga Brgy Kapitan, present rin lahat ang mga myembro ng Sangguniang Bayan na pinangungunahan ni VM Atty. Cairoden Pangunotan.

Sa 15 barangay ng Buldon, 12 incumbent ang nanalo habang tatlo rito ay mga bago. Kabilang sa mga bagong halal na kapitan ay mula sa mga Baranggay ng MATAYA, RUMIDAS at PIERS.


Maituturing naman na ang katatapos na eleksyon sa Buldon ang pinakamatiwasay at maayos sa kasaysayan ng bayan bunsod na rin sa tulong ng AFP, PNP at LGU.

Hinimok naman ni Mayor Abol ang mga Barangay Officials na ipagpatuloy ang mga inisyatibang nasimulan sa Buldon, kabilang na ang nagpapatuloy na kampanya kontra terorismo, krimen, droga maging ang pagtuldok sa mga away pamilya.

Pinasalamatan naman ng mga opisyal si Manalao sa mga nag uumapaw na mga nagawa sa Buldon, kabilang na rito ang pagiging instrumento at nagkaroon ng maayos na kalsada ang Buldon.Kapwa rin nanumpa sa Quran ang mga dumalong opisyales na magtutulungan alang alang na rin sa itinuturing na Bagong Buldon.

Matatandaang noong 2017 , awardee ng Seal of Good Local Governance ng DILG, kauna unahang LGU na naging RIDO Cleared, kauna unahang LGU na tumugon sa Balik Baril Program , habang tanging isang barangay na lamang din ang sumasailim sa proseso para tuluyang maging Drug Cleared na.

Facebook Comments