Mga inisyatiba sa Administrative Services, Social Services, Environment Management Services at Infrastructure Development ang ilan lamang sa mga ibinida ni Buldon Mayor Abolais Manalao sa kanyang isinagawang State of the Municipal Address ngayong araw na isinagawa sa Gymnasium at nilahukan ng mga Sangguniang Bayan Officials , Barangay Officials, Department Heads, LGU Employees, PNP, AFP , School Officials at ibat ibang sektor.
Kabilang sa mga inulat sa bayan ni Mayor Manalao ay ang nagpapatuloy na isinusulong na Good Governance at Sound Fiscal Management, pagpataas ng sweldo ng mga empleyado, kampanya kontra anung uri ng krimen, droga at terorismo, pagtaas ng local revenue ng bayan, pagkakaroon ng magandang kalsada sa apat na sulok ng bayan at ang pag implementa ng BIDA Program o ang Buldon Integrated Development Activities o ang pagpapaabot ng mga serbisyo mula LGU patungo sa mga residente.
Binigyang diin rin ni Mayor Manalao ang mga programang nagbigay ng katiwasayan sa buong bayan kabilang na ang Balik Baril Program, na maituturing na naging natatanging programa ni Mayor Abol na naimplementa sa buong lalawigan ng Maguindanao, at ang pagkakaayos ng mga away pamilya sa buong Buldon.Matatandaang tanging ang Buldon ang naideklarang Rido Free sa buong rehiyon.
Kaugnay nito patuloy ang paghikayat ni Mayor Manalao sa lahat ng kanyang mga kababayan na samahan sila ni Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan ng pagtutulungan at pagkakaisa para sa itinuturing nitong Bagong Buldon. Matatandang noong 2017, isa ang Buldon sa pinarangalan ng Seal of Good Local Governance ng DILG National Office.