Bagsak na ekonomiya, hindi kasalanan ni Pangulong Duterte kundi ng virus – Roque

“Nananaginip si dating Justice Carpio.”

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang sabihin ni Retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na matatalo sa May 2022 elections ang mga pulitikong kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa bagsak na ekonomiya.

Giit ni Roque, alam naman ng lahat na mahirap talaga ang buhay dahil na rin sa pandemya.


Kaya naniniwala siya na hindi sisisihin ng mga tao ang pangulo sa halip ay ang virus.

“Ang katunayan po, mahirap talaga ang buhay pero alam ng lahat po ‘yan dahil pandemic. Sa buong mundo ay ‘yan ang kalagayan ng lahat. At panatag po ang loob ko na alam ng tao na ang sisisihin ay ang virus hindi po ang ating presidente so, hayaan na natin siyang managinip,” ani Roque sa interview ng RMN Manila.

Facebook Comments