BAGSAK-PRESYO SA SIBUYAS PAMILIHAN, PAHIRAP UMANO SA MGA MAGSASAKA SA BAYAMBANG

Tuloy-tuloy at puspusan naman ang pag-aani ng mga magsasaka sa bayan ng Bayambang ng kanilang mga tanim na mga sibuyas upang makapagbenta na ng kanilang produkto sa pamilihan.
Kasabay naman ng anihan ay lubos din ang kanilang pag-aray ng mga ito sa pagbagsak ng presyo ng sibuyas sa merkado.
Sa ngayon umano ay bumagsak na sa P25-P30 pesos per kilo ang presyo sa mga pamilihan kaya’t panawagan ng mga magsasaka na itaas ang presyo ng mga ito upang hindi sila lubos na maapektuhan ang kanilang ani at kita dahil na rin sa mataas na cost of production nito at sinabayan pa ng pandemya na kung saan ay mahirap ang magbiyahe ng kanilang produkto.

Ang importasyon umano ang sinisisi ng mga ito dahil sa pagbagsak ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan.
Nilinaw naman ng Department of Agriculture na pinapayagan lamang umano ang importasyon kung may kakulangan sa suplay ng sibuyas ngunit sadyang mababa lamang raw umano ang demand ng sibuyas sa merkado kaya’t mababa rin ang presyo nito.
Tiniyak din naman ng DA na may nakaambang technical assistance ang ahensya para sa mga apektadong magsasaka.
Samantala ay binisita kamakailan ng Municipal Agriculture Office ang onion demo farm sa Brgy. Wawa upang inspeksyunin ang kalagayan nito, matapos ang 72 days after sowing.
Layunin ng demo farm para sa red onion na suriin kung ano anong variety ng sibuyas ang resistant sa harabas at iba pang sakit. | ifmnews
Facebook Comments