Benguet, Philippines – Pinag-uusapan na nila Benguet Governor Melchor Diclas at Agriculture Secretary William Dar ang pagdaragdag ng Fruits and Vegetables Trading Center sa buong bansa para sa mga over-supply na produkto ng ilang Benguet Farmers.
Ayon kay Gov. Diclas, pinag-aaralan din ng D.A. ang posibleng pagtatayuan ng karagdagang bagsakan malapit sa labas ng Manila at Bulacan para magbigay daan din sa ibang merkado para sa highland vegetables.
Bukod din sa mga Bagsakan Center, inaayos na din nila ang Post-processing Center naman para sa mga Prutas at Gulay na madaling mabulok kung saan kung saan kukuhanan ito ng katas at gagawing Juice o kaya naman ay ipepreserba para hindi kaagad mabulok. Ito naman ay pamumunian ng Benguet State University o BSU.
Matatatandaan na ang La Trinidad Vegetable trading post ay isa sa pinakamalaking destribution facility at merkado na itinayo noong 1983, halos tatlong dekada na ang nakakaraan at noong 1992, halos 80 hanggang 100 tonelada ng gulay ang naibabagsak araw-araw hanggang sa mga sumusunod na anim na taon, ang dami ng gulay na ibinabagsag ay tumitriple na humigit kumulang 300 na toneladang gulay araw-araw.
Nasa 9,168 square meter ang pasilidad na kung saan ay may labing-isang iba’ibang asosasyon na binubuo ng farmers, disposers, porters, packers, buyers, truckers at traders.
Nasa Top producers naman na nagbabagsak ng kanilang produkto ang probinsya ng Buguias kasunod ang Mankayan, Kibungan, Kabayan and Bakun samantalang ang kalapit naman na lugar ng Mountain Province ay nag-aangkat din ng gulay at itinala naman ng BAPTC ang mahigit P200 milyong gulay ang nabenta noong taong 2015.
iDOL, magandang balita ito para sa ating lahat.