Bagsakan ng mga carnap na motorsiklo, nahanap sa Quezon City

*Quezon City *- Natunton ng mga awtoridad ang bagsakan ng mga motorsiklo at spare parts nito sa Barangay Payatas, Quezon City.

Ito’y matapos ituro ng apat na suspek na nahuli nitong Biyernes.

Ayon kay QCPD Station 6 Investigation and Detection Management Chief, Chief Insp. Nilo Padulaga – hindi na nila naabutan ang mga tirador ng mga motor na armado pa umano.


Narekober ang mga chop-chop na katawan ng mga motorsiklo, spare parts at ang toolbox nito.

Bukod dito, nakuha rin ang mga plastik na naglalaman ng shabu, dalawang baril na pag-aari ng dalawang carnappers.

Naaresto pa ang dalawang itinuturing na sangkot sa carnapping.

Tinutugis na ng mga awtoridad ang iba pang personalidad na itinuro ng mga naarestong suspek.

Facebook Comments