Bagsik ng operasyon ng militar kontra BIFF magpapatuloy

Tatlong sundalo mula sa 90th IB ang naging wounded sa pinakahuling engkwentro ng military kontra BIFF sa Maguindanao kahapon.

Sa impormasyong ipinarating ni Cpt. Arvin Encinas sa panayam ng DXMY, tatlong insidente ng engkwentro ang naitala kahapon, una rito ay sa bahagi ng Brgy Malingao Datu Saudi Ampatuan alas dyes kahapon ng umaga. Sinasabing nagkasagupa ang 61st Division Reconnaissance Company na pinangunahan ni 1st Lt. Roel Fortuna kontra tinatayang 30 mga elemento ng BFF. Narecover sa insidente ang 3 granada. Samantala nagkaharap rin ang pwersa ng 90th IB sa Shariff Aguak kontra nas 50 mga armado. Ilang IED naman ang recober sa mga tumakas na mga armado. Sinundan pa ang insidente ng engkwentro sa Brgy. Bulakawon sa Pigcawayan Noth Cotabato.

Kaugnay nito patuloy na nakaalerto ang military habang wala ring puknat ang ginagawang opensiba ng mga ito kontra mga teroristang grupo. Muli namang nagpalala ang 6th ID sa mga ito na sumuko na lamang o patuloy na harapin ang bagsik ng operasyon ng military.


Sa ngayon di na mabilang ang mga nasawi at mga nasugatan sa hanay ng mga armadong terorista ayon sa 6th ID.

6th ID Pic

Facebook Comments