BAGSIK NI AGATON | 2 patay sa Cebu

Cebu – Patay ang dalawang katao sa pananalasa ng bagyong Agaton sa southern part ng Cebu.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Flora Matas, 64-anyos, na natabunan ng lupa ang bahay sa barangay Looc sa bayan ng Malabuyoc.

Binawian naman ng buhay sa ospital si Richie Pimentel, 39, matapos mauntog sa bato ang ulo nang mahulog sa hagdan sa barangay Sto Niño sa nasabi ring bayan.


Hindi naman madaaanan ang national highway sa Barangay Looc dahil sa pagguho ng lupa sa lugar.

Nagpapatuloy ang clearing operation bagama’t humupa na ang malakas na ulan sa lugar.

Samantala, daan-daang pasahero ang nananatili sa mga pantalan na naghihintay na ma-lift ang pagkansela sa lahat ng biyahe.

Facebook Comments