Capiz – Mahigit 100 barangay sa Capiz ang lubog ngayon sa baha kasunod ng walang tigil na pag-ulan na dala ng bagyong Agaton.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO)- Capiz, inaasahan nila na madagdagan pa ang bilang ng mga binabahang barangay dahil patuloy ang buhos ng malakas na ulan.
Hindi naman madaanan ang ilang mga ruta sa lalawigan at ilan pa rito ay hanggang leeg na ang lebel ng tubig.
Umabot na din sa 155 na pamilya ang nasa evacuation center dahil lubog na rin sa baha ang kanilang mga tahanan at ang iba sa kanilang ay apektado ng pagguho ng lupa.
Nagdeklara na dn ng kanselasyon ng klase ngayong araw sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan.
Facebook Comments