BAGSIK NI AGATON | Higit 4 libong pamilya, nanatili sa mga evacuation center

Manila, Philippines – Malaking hamon sa NDRRMC ang selebrasyon ng pagsalubong sa Bagong Taon ang pagpapalikas sa may apat na libong residente sa panahon ng pananalasa ng Bagyong Agaton.

Sa inisyal na report sa isang press briefing, sinabi ni NDRRMC spokesperson Mina Marasigan na bagamat mahina ang dalang hangin ni Agaton, peligroso naman ang dami ng dala nitong ulan sa Caraga Region, region 7, Western Visayas at MIMAMROPA.

Aniya, dahil sa iniwang pinsala ng paghagupit ng Bagyong Urduja at Vinta, kusa nang lumikas ang mga residente sa may limamput limang evacuation centers sa Palawan, Capiz, Cebu, Bohol, Cagayan de Oro, Iligan City, Camiguin. Misamis Oriental, Surigao del Norte at Dinagat island


Bineberipika naman ng DILG ang dalawang nasawi sa Cebu province dulot ng landslide sa mga binahang lugar.

Facebook Comments