BAGSIK NI AGATON | Higit 500 pamilya, nawalan ng tirahan sa Palawan

Palawan City – Hindi bababa sa 500 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa pananalasa ng Bagyong Agaton sa Palawan.

Na-wash out ng malalaking alon ang mga bahay sa Barangay Bagong Silang, Tagburos, at Bagong Sikat, ayon sa lokal na pamahalaan.

Nasira rin ang mga tulay at bangkang ginagamit sa pangingisda ng mga residente.


Ayon sa ilang mga residente, hindi nila namalayan na mabilis ang pagtaas ng tubig dagat kaya wala silang nadalang mga gamit sa paglikas.

Facebook Comments