BAGSIK NI AGATON | Mahigit 300 pamilya, lumikas sa Zamboanga Peninsula at Caraga Region

Manila, Philippines – Mahigit 300 pamilya rin ang lumikas sa Zamboanga Peninsula at Caraga Region.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC), nananatili sa mga evacuation center ang 353 pamilya kung saan 75 ay mula sa Zamboanga Del Norte at 278 mula sa Caraga.

Kasabay nito, nasa 38 pamilya rin ang lumikas sa Barangay Magsaysay, Bayan ng Nabunturan, Compostela Valley.


Ito ay dahil sa nararanasang pag-ulan dahil sa Bagyong ‘Agaton’.

Facebook Comments