Manila, Philippines – Pinayagan na ng Philippine Coast Guard (PCG) na makabyahe ang naistranded na mga barko, motor banca at cargo vessel matapos makalabas ng bansa ang Bagyong Agaton.
Sa record ng PCG, nakapagtala sila ng mahigit 55,000 outbound passengers kahapon.
Pinakamarami rito ay nagmula sa Western Visayas na may halos 16,000 pasahero.
Pumapangalawa ang Northern Mindanao na may halos 10,000 at pangatlo ang Central Visayas na may mahigit 8,000 pasahero.
Facebook Comments