BAGSIK NI AGATON | Publiko, pinag-iingat sa posibleng pagbaha at landslide

Manila, Philippines – Patuloy na pinaalalahanan ng National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC) ang mga residenteng apektado ng Bagyong Agaton na maging alerto sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Ito ay makaraang umakyat na sa animnaraaan at labing isang (611) pamilya ang isinailalim sa force evacuation sa Visayas, Mindanao at Palawan Area.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, partikular na isinailalim sa force evacuation ang mga taga-Capiz, Zamboanga, Agusan Del Sur, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur at Dinagat Island.


Habang mahigit dalawandaang (200) pamilya aniya ang tumutuloy ngayon sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Facebook Comments