BAGSIK NI AGATON | Red alert sa Region 11, itinaas ng Office of Civil Defense

Mindanao Philippines -Naka-red alert ngayon ang Office of Civil Defense-Region 11 dahil sa bagyong Agaton.

Una ng pinayuhan ng ahensiya ang mga residente na posibleng maapektuhan ng bagyo na kailangang maging alerto ang mga ito sa posibleng pag-ulan at pagbaha.

Ayon kay OCD 11 Regional Director Leoncio Cirunay na patuloy ang kanilang active monitoring at reporting system.


Ito ay upang makapaghanda ang mga residente na maapektuhan ng bagyo at para maiwasan ang casualty.

Nakapre-position ang ibat ibang ahensiya kaugnay sa posibleng maging epekto ng bagyong Agaton.

Facebook Comments