Manila, Philippines – Sampu na ang patay sa hagupit ng bagyong Basyang sa Visayas at Mindanao.
Sa interview ng RMN kay National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Romina Marasigan – isang 71-anyos na matanda ang natangay ng flash flood sa Barangay Trinidad sa Guihulngan, Negros Oriental.
Apat na naman ang patay dahil sa pagguho ng lupa at pagbaha sa mga lalawigan ng Agusan del Norte, Surigao del Norte.
Ayon kay Marasigan, lima naman ang patay sa Surigao del Sur kung saan pinakamalubhang sinalanta ng bagyo.
Patuloy ang babala ng NDRRMC sa publiko na maging alerto pa rin hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na lumakas pa ulit at bumalik bilang isang tropical depression si Basyang.
Facebook Comments