Manila, Philippines – Umabot na sa labing apat ang patay sa pananalasa ng Bagyong Basyang sa bansa.
Batay sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, lima ang naitalang namatay sa bayan ng Placer, Alegria at Malimono sa Surigao Del Norte.
Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa landslide at flashflood sa probinsya ng Surigao.
Sa interview ng RMN, pumalag naman si Butch Alcantara, isa sa mga may-ari ng minahan sa surigao sa report na sila ang dahilan ng pagbaha at pagguho ng lupa sa lugar.
Samantala, lima din ang nasawi sa bayan ng Carrascal, Surigal Del Sur habang patay din ang dalawang buwang taong gulang na sanggol sa landslide sa Albuera, Leyte.
Narekober naman ang tatlong bangkay sa Borongan City Eastern Samar.
Facebook Comments