BAGSIK NI ELEANOR | Winter storm, patuloy na humahagupit sa Northern Europe

Northern Europe – Patuloy na hinahagupit ngayon ng winter storm Eleanor ang Northern Europe kabilang na ang France at Germany.

Dahil dito, maraming lugar na sa nabanggit na bansa ang nawalan ng suplay ng kuryente dahil sa bagyo.

Aabot naman sa siyam na katao ang nasugatan sa bagyo sa France.


Ang bagyo ay may pagbugso na 70 kph na naunang nanalasa sa United Kingdom.

Maraming flights din sa France ang kanselado dahil sa naturang bagyo.

Facebook Comments