Hong Kong – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 2 Pilipino ang nasaktan at 41 ang nasagip sa Hong Kong noong manalasa ang bagyong Mangkhut.
Sa ulat ni Consul General Antonio Morales 36 na myembro ng Filipino tour group ang una nang napaulat na stranded makaraang mabasag ng malakas na hangin ang windshield ng bus na kanilang sinasakyan patungong airport.
Agad namang nagpadala ng panibagong bus sa grupo ng mga turista upang maihatid ang mga ito sa kanilang hotel.
5 Pinoy workers din mula sa isang dive resort ang nailigtas ng Hong Kong authorities.
Samantala, isang Pinay ang sumailalim sa leg surgery makaraang tamaan ang kanyang binti ng flying debris at isang Pinay din ang tinamaan ng debris pero hindi na kinakailangan pang dalhin sa ospital.
Nakatanggap din ng ulat si Consul General Morales mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na ilang Filipino household service workers ang nagtamo ng minor injuries.
Sa ngayon tuloy ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa mga lider ng 227,000 Filipinos sa Hong Kong para mabigyan ng ayuda saka-sakaling kailanganin nila ng tulong.