Mas dumami pa ang bilang ng mga nasawing indibidwal dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong.
Batay sa huling ulat ng National Operation Center ng Philippine National Police umakyat na sa kabuuang 81 indibdiwal ang namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong.
Pinakaraming naitalang nasawi ay sa Cordillera Administrative Region o CAR na umabot sa 66 na indibidwal matapos ang naganap na landslide sa Itogon, Benguet.
10 sa mga nasawi ay naitala sa Region 2 habang tig dalawa ang nasawi sa National Capital Region (NCR) at Region 3, isang indibidwal naman ang naitalang nasawi sa Region 1.
Missing pa rin ang 70 indibidwal na karamihan ay nawawala sa naganap na landslide sa Itogon Benguet.
71 indibdiwal na rin ang naitalang sugatan dahil sa bagsik ni bagyong Ompong.
May naka-deploy pa rin ngayong mga pulis sa Itogon Benguet para tumulong sa rescue at retrieval operation.