Magtatagal pa ang disaster operation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga sinalanta ng bagyong Ompong sa ilang rehiyon sa bansa.
Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, ito ay dahil sa napakalawak na pinsala na sinalanta ni Ompong.
Pero tiniyak naman ni Secretary Orogo na may sapat pa silang supply ng pagkain na nakaimbak sa mga warehouses ng DSWD at patuloy pa ang ginagawang repacking ng mga food items.
Malaki din aniya ang naging papel ng mga volunteers na umaasiste sa repacking ng mga relief goods lalo na sa National Resource Operations Center (NROC) ng DSWD.
Mula daw manawagan ng volunteers noong Setyembre 15 ang DSWD, hindi nagdalawang isip ang 2,370 individuals na tumugon at tumulong sa ahensiya.
Hindi pa aniya kasama dito ang ibang volunteers sa ibang regional offices ng DSWD.
Hanggang ngayon ay tumatanggap pa sila ng volunteers at maaari lamang silang makipag-ugnayan sa NROC sa telepono bilang 5539864, 8528081 o cellphone numbers na 0916-9781389 at 0915-3095311.