BAGSIK NI OMPONG | Mahigit 200,000 pamilya naapektuhan ng TY Ompong – NDRRMC

Umabot sa mahigit dalawang daang libong pamilya o katumbas ng 893,000 indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Ompong.

Batay ito sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.

Ang mga apektadong pamilya ito ay mula sa 3,237 barangay ng Regions 1,2,3 CALABARZON, MIMAROPA,NCR at CAR.


Sa bilang na ito 43,000 families ang nanatili sa 1,780 evacuation centers at patuloy na binibigyang ayuda ng gobyerno.

Nakikituloy naman sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang mahigit 18,000 families.

Mamayang alas-2 ng hapon pa nakatakdang magbigay ng update ang NDRRMC sa epekto ng bagyong Ompong.

Sa kanilang datos walong inidibidwal pa lamang ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagsik ng bagyong Ompong.

Facebook Comments