Sumampa na sa 95 indibdiwal ang nasawi dahil sa iniwang pinsala ng bagyong Ompong.
Batay ito sa huling ulat ng national operation center ng Philippine National Police (PNP).
Sa ulat 79 indibdiwal na nasawi ay naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR).
10 sa Region 2, 3 sa Region 3 at 2 sa National Capital Region (NCR).
54 na inibidwal pa rin ang patuloy na pinaghahanap at ngayon ay target pa rin sa rescue and retrieval operation.
69 naman ang naitalang sugatan ng PNP dahil sa bagsik ng bagyong Ompong.
Nanatili namang naka-deploy ang 285 na mga pulis na miyembro ng search and rescue team para tumulong pa rin sa rescue and retrieval operation partikular sa Itogon Benguet kung saan naganap ang pagguho ng lupa at ngayon ay may mga narerekober pa ring bangkay matapos matabunan ng lupa.