BAGSIK NI URDUJA | 120 milyong piso, kakailanganin sa pagsasaayos nga mga nasirang kalsada

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Department of Public Works and Highway na 120 milyong piso ang kanilang kakailanganin upang makumpuni ang mga nasirang kalsada sanhi ng bagyong Urduja sa Eastern Visayas.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ipinarating sa kanya ni Leyte 4th District engineer Lino Francisco Gonzales na bumagsak at hindi madaanan ng kahit anong uri ng sasakyan ang Kinanga-Tungonan-HotspringRoad sa Brgy. Lim-Ao, Kananga at Libungao-Matag-ob Palompon Road sa Brgy. Candelaria dahil sa winasak ng bagyong Urduja.

Pinayuhan na lamang ng kalihim ang mga motorista na humanap ng mga alternatibong ruta tulad ng Palompon-Isabel-Merida Ormoc Road sa Brgy. Liloan sa Ormoc City na nalinis na kung saan lahat ng National Road sa 4th District Leyte ay maaari ng daanan ng mga motorista maliban sa tatlong nabanggit ng lugar.


Facebook Comments