Manila, Philippines – Umabot na sa 65,000 family food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 8 sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Urduja.
Sa interview ng RMN kay DSWD region 8 director Restie Macuto – umabot na sa 290 families na apektado.
Susubukan aniya na hindi na paabutin pa ng Pasko ang mga residenteng lumikas na manatili sa evacuation centers at makabalik agad sa kanilang mga tahanan.
Sumatutal, aabot na sa 59 million pesos na halaga ng tulong ang naibigay ng DSWD-8 sa rehiyon.
Sa ngayon tuloy-tuloy ang pamimigay ng ayuda sa Leyte, Eastern Samar, Western Samar at Biliran.
Facebook Comments